KARAPATAN NG KABATAANG PILIPINO
NI: MONALIZA JOSE BACHILLER
BSED 2
Ang kabataan ay mahahalintulad sa isang apoy, isang tilamsik sa una lumalaki at nagiging apoy.
Bawat kabataan ay may kanya-kanyang kakayahan. Kakayahan upang malinang at lubos na maunawaan na ang kabataan ay dapat na bigyan ng pansin at suportahan. Mula sa pagbibigay ng scholarship ay maaari ding pagkalooban nang maayos at permanenteng trabaho ang mga magulang upang matustusan ang pangangailangan ng mga anak sa pg aaral.
Ang talento ng kabataan ay nakikita sa iba’t-ibang larangan, mapasayaw man o kantahan, pag-arte at iba pa. Sa telebisyon, sa mga teleserye, kadalasan ang mga batang aktres at actor ang bumibida sa isang palabas. Sa larangan ng isports at akademiko kilala sa buong mundo ang galing at kakayahan ng kabataang Pilipino. Sa mga simbahan, sentro ang kanilang pagtuturo ay ang mga kabataan dahil sa paniniwalang sila ang magiging pinuno ng susunod pang mga henerasyon.
Subalit, sa kabila ng lahat ng ito,bakit marami pa rin ang napapariwara ng landas? Hindi nakakapagtapos at hindi man lamang nakakatuntong ng paaralan. Sapilitang nagtratrabaho upang matustusan ang sariling pangangailangan. Masaklap pa dito ay nagtratrabaho upang matustusan o maiahon ang pamilya sa kahirapan na ang mga magulang dapat ang gumagawa nito.
Ayon kay Ryan Subong, maraming kabataan ngayon ang nagiging biktima ng pagmamaltrato,pang aabuso ,pang aalila at minsan,dinadamay pa upang maging palamuti sa masamang gawain ng mga sindikato.Gaya na lamang ng pagbebenta ng bawal na gamot ,pgnanakaw ng ibat ibang sasakyan at pagpatay. Sa hindi malamang dahilan, karaniwan na din sa atin ang mga batang kalye,namamalimos,nagpupulot ng basura at madalas na laman ng balitang biktima nang panggagahasa. Kawawang kabataan bakit hinahayaang mapagkaitan ng pag-asa?
Bilang isang kabataan, karapatan nilang mabuhay nang matiwasay at mailayo sa kapahamakan. Karapatan nilang maprotektahan ang kanilang dignidad at dangal.Karapatan nilang magkaroon ng mga magulang upang mabigyan ng sapat na motibasyon upang mabago ang kanilang maling pananaw sa buhay at maging aktibong miyembro ng mamamayan. Karapatan nilang pumili ng tama para sa ikakabuti nila at ng nasa nakapaligid nila.
Ako,ikaw ay kabilang sa mga pag-asa ng kinabukasan. Pilipino din kaming naghahangad ng tamang pananaw. Kung bibigyan nga lamang kami ng oportunidad o pagkakataon na mapatunayan ang aming mga sarili? Sa kabila ng kahirapan, sisikapin naming maging parte ng pag-unlad ng bayan. Kami lamang ay dinggin, bigyan ng pagkakataon at huwag abusuhin.